Kaliwa't Kanan: Isang Repleksyon ng Batang Balahura
(December 2004)
Minsan talaga, mapapakamot ka nalang sa mga pangyayari sa mundo. Nakakabighani talaga yung daloy ng buhay. Yung agos ng kapalaran. Nakaka-amaze, kung paano mag-function (malfunction?) yung tinatawag nilang 'Nature' at 'Destiny'. Yung clockwork ng mundo. Yung script ng mundo. Mapapanganga ka nalang minsan sa sobrang pagkabighani. Pero kung anong daming beses ka ngumanga, ganong daming beses ka ding magtataka, iiyak, at masasaktan.
Paano kayang nagiging posible na sa isang sulok ng mundo, may masaya, habang sa kabila, may umiiyak? Paano kaya nangyayari yung, habang tuwang-tuwa ang isang tao sa buhay niya dahil nakahanap siya ng kapayapaan ng damdamin, sa kabilang dulo naman, may sinasaktan? May tumatawa, umiiyak, nagugutom, nagpapaka-bachoy, nabubuhay, namamatay, lumalabang mabuhay, nagpapakamatay, ayaw nang mabuhay, pinapatay, nakikipag-sex, nire-rape, tumatae, umiihi, nagkokompyuter, nanlilimos, nagbebenta ng droga, nagbebenta ng popcorn, natutulog, hindi makatulog, nagtutulug-tulugan para hindi maispatan ng nanay na walang ginawa kundi mang-utos, gumagawa ng project, binabayaran para gumawa ng project, naghahanap ng project sa Recto, nag-aaral, nagkukunwaring mag-aral, nagbabasa ng porn, nagbabasa ng Bible, nagpapantasya sa mga kaguwapuhang mga kalalakihan(EHM!), nangbabasted ng mga kaguwapuhang kalalakihan (sana), at kung anu-ano pang karumalduma na gawain. Lahat iba-iba, pero nangyayari ng sabay-sabay.
Isang daang bilyong aktibidades, sakop ng isang sandali.
Nakaka-bighani. Sa isang segundo, bilyong-bilyong buhay ang nagbabago. Sa isang segundong pumapatak, bilyong-bilyong iba't ibang akitibidades.
Pero minsan talaga, parang may
Nung isang linggo, nung Thursday, may bagyo. Gabi noon, mga alas-nuwebe siguro. Nandoon ako sa
Masaya ako. Komportable. Nasa
Ayos ang buhay ko.
Pero may
Parang ang sakit naman yatang isipin na habang masaya ako sa buhay ko noong gabing yon- may bahay, komportable, busog, tuyo- may mga taong nawawalan ng bahay, dahil sa ulang mahal na mahal ko. May mga hindi kumakain. May mga taong nakabalunbon sa manipis na kumot, nangangatog, nagaalala para sa mga kapamilyang malamang ay tinangay na ng malakas na baha. May mga taong umiiyak, humahagulgol kasabay ng kalikasan, dahil natangay na ng bagyo ang lahat ng meron sila. May mga batang natatakot, hindi alam kung bukas, buhay pa sila. May mga ina na hinahanap ang anak, at mga anak na umiiyak para sa mga magulang nila.
Lahat yan- at higit pa- ay nangyayari noon, habang ako, nagpapantasya na naman kay Yohji Kudo at ang iba pang malinamnam na lalaki ng isang anime.
May
Hindi dapat nagpapaparty ang mga tao sa Malate, o nanonood ng BCUZ OF YOU ang ilan sa mga Pilipino habang ang karamihan sa mga kapatid nating Pilipino ay sinasalanta ng kalikasang naghiniganti dahil sa panlalapastangan sa kanya ng tao. Hindi dapat ako nagpapantasya na magiging kami ni Yohji, habang may isang babae, somewhere out there, ka-edad ko, ang nangangatog sa lamig dahil tinangay na ng baha ang bahay nila. Hindi dapat nanonood ng Lovers in
Hindi dapat.
Pero hindi nating pwedeng sabihin na wala tayong karapatang magsaya, dahil hindi naman natin kasalanan na meron tayo at wala sila.
Nakakainis. May
Bakit kaya ganon?
Ngayong mga nakaraang araw, masayang masaya ako. Mapayapa ang buhay ko, dahil nagbalik-loob na ako kay Papa Lord. Gumaan ang pakiramdam ko. Wala naman talagang nagbago. Retarded parin ang mga kaklase ko, asshole pa rin yung ibang professors ko, at nearly-impossible pa rin ang nanay ko. Walang nagbago; madami paring kailangang gawin, at HotSeat parin ako sa To-Blame list ng mga kamaliang nangyayari dito sa bahay. Walang nagbago, pero masaya ako, dahil hinarap ko na ang mga kailangang harapin, at pinakawalan ko na ang lahat ng dapat pakawalan. Kung matatag ako noon, indestructible na ko ngayon, dahil may direct link at recognition na ako sa totoong pinanggagalingan ng lakas ko.
Wala nang kayang tumalo sa akin. Kapag kasi Diyos ang kakampi, ikaw na siguro ang pinaka-malakas na tao sa mundo. Wala nang problema ang hindi kayang lutasin. Pero nakakalungkot isipin, na habang nakakaramdam ka ng ganitong klaseng kaligayahan, sa eksaktong oras na ito, mayroon ding isa, dalawa, o isang daang milyong taong hindi na alam kung saan pa makahahanap ng kaligayahan.
Na hindi lang ang realidad natin ang realidad ng mundo...
Na sa labas ng mga komportableng kwarto natin, ay may mas malaking mundo...
Na may iba pang tao, higit pa sa mga taong nakikita natin araw-araw.
Dyan-dyan sa tabi, may tumatawa. May umiiyak. May sanggol na ipinanganak, at may mamang binaril sa madilim na eskinita. May mga taong daig pa ang payaso kung makangiti, at may ibang nagmistulang nilulunod sa sarili nilang luha. May mga nagpapah-teh sa Rockwell. May isang babaeng ginugulpi. May nagwawaldas ng milyon. May naghahanap ng piso.
Patuloy ang buhay. Magkakaroon pa rin ng mga bagyong kebabantot ng pangalan. May mga mamamatay, may mga ipapanganak pa lang. Mahirap mang tanggapin, may mga katotohanang hindi na pwedeng mabago. Sisikat ang araw sa silangan, at lulubog sa kanluran. Bilog ang mundo, at hindi ito mapipisat (pwera nalang kung mawala ako dito). Kumakahol ang aso at magmi-meow ang pusa (pwera nalang kung may identity crisis). Kahit anong gawin natin, may mga bagay talagang habang-buhay nang mananatili.
At kasama na dun ang weirdong pagpapatakbo ng tadhana sa buhay ng mga tao o ang weirdong pagpapatakbo ng tao sa buhay nila. Eh, ano man yun; tadhana, tao, kapalaran, bahala na. Basta yan ang buhay. Makulay.
At ikaw ang magpapatakbo ng buhay mo, ano man ang mangyari sa mundo.
No comments:
Post a Comment