Thursday, July 3, 2008

Slitting Throats and Weaving Spells

K told a story about some practice the ancient Chinese have done a long time ago. He said they'd build walls out of the bones and corpses of fallen soldiers to protect some city from harm. Such walls would not be able to perform their sacred duty unless the people would slit dogs' throats and spill blood on the walls.

Writing, K said, is like that. You'd have to have something, magic, perhaps, to link the unreal world of stories to our world, for it to become a legitimate story... for it to become something of our world.

I've been wanting to slit some thing's throat so bad. I've been itching to do so for days. I've been wanting to spill blood so damn much, the desire just consumes my whole consciousness.

I've been wanting to see blood so bad.

Because there'd be no ink to spill without blood.

There'd be no blood without an open wound.

I'm trying to see how far I could go without moving any part of my body. I'm trying to see how far I could look without compromising my mobility. I'm trying to gauge the limits of my mind without throwing away reality.

I'm just trying to look for that dog.

Because that dog is magic.

A lifetime ago, somebody whispered these words to me

Karren... is a silent, steady campfire on a cold mountain. She is on her way to talk to the gods.

Pardon me for fleeting time and again.

It is imperative that I talk to the gods.

They have that magic I want to have.

Abo sa Ere, Alon sa Dagat, Inutil na Bituin

Continuation ng balahurang entry kay Tokne, sinimulan kaninang 2349 ng gabi...

May kwento dapat eh. Yung bang tipong 'nagsimula ang lahat noong...' chorva. Yung bang, may 'narrative' pa. May plot, may suspense, may dramatics, may kung anu-ano pang katarantaduhan na pwede kong isipin, para lang maging kwento yung gusto kong isulat. Kaya lang, naisip ko, pag inartehan ko na agad, malamang yan, malilimutan ko ang gusto kong sabihin. Kaya tingin ko, mabuti nang isulat ko muna lahat, bago ko lagyan ng palamuti. Tsaka na yun.

Sige. Ganito.

Tanungin mo ko kung ano ang pinaka-kinatatakutan kong bagay sa mundo.

Greatest fear, kung baga.

Yung tipong, bayaran ka man ng milyon-milyong dolyar, ay hindi mo pa rin to kayang sikmurain. Non-negotiable. No deal. Kahit magkano pa. Basta, hindi mo haharapin o tatanggapin ang 'fear' na ito. Tipong, kahit sumali ako sa 'Fear Factor', uuwi ako ng luhaan, duguan, at talunan, kasi hindi ko ito kayang harapin.

Ipis ba? Oo, takot ako sa ipis. Pag nakakita ako ng ipis, naninigas ang buong katawan ko, tapos hihinto ako sa kung saan man ako nandodoon. Titigil ko ang lahat ng aktibidades ko, at wala akong gagawin kundi titigan ang bawat galaw, bawat hakbang, at bawat paghinga ng nasasabing ipis. Kapag naramdaman ko na papalipad na ito, tsaka ako titili ng malakas na malakas na 'RUN FOR COVER!' sabay takbo para magtago.

Pero hindi ipis ang pinaka-kinatatakutan ko. Pwede ko pang harapin ang mga lintek na ipis na yan, basta may kapalit na malaking halaga.

Multo ba? Aswang? Maligno? Masasamang pangitain? Nakakatakot sila, pero hindi ako masyadong nagpapa-apekto sa mga yun. Takot ba ko matataas na lugar? Sa tubig? Sa bagyo? Sa ulan? Hinde.

Sa totoo lang, tingin ko wala akong masyadong kinatatakutan, eh (pwera nalang sa lumilipad na ipis). Tarantahin ako, pero hindi ako takutin. Minsan lang, habang patulog na ako, inisip ko talaga kung ano ba talaga yung bagay na kinatatakutan ko. Yung bagay na kailangan kong harapin ng buong tapang, yung bagay na dapat kong malampasan.

Bigla kong naisip yung mga pangarap ko na dahan-dahan kong pininta sa pisngi ng langit. Mga munting pangarap na isa-isa kong binulong sa palad, at initsa pataas para masalo ng mga tala. Inisip ko ang lahat ng gusto kong magawa, lahat ng gusto kong marating, at lahat ng gusto kong mangyari.

Ang pinaka-paborito kong pangarap ay yung makabahagi ako sa mga tao ng kahit konting kaligayahan, habang binabasa nila yung mga isusulat ko. Gusto kong makipag-usap sa mga tao gamit ang mga salitang ibubuhos ko sa papel. Gusto kong magtagpo ang puso ko, at ang puso ng mga mambababasa ko, kahit isang saglit lang. Gusto kong magtagpo ang palad ko, at ang palad ng mambabasa ko, kahit isang saglit lang. Gusto ko sanang tanggapin ng mga tao ang bawat salitang ibubuhos ng puso ko. Na sa bawat paglipat nila ng pahina ng libro ko, lalo silang napapamahal sa mga mundo, tao, at pangyayaring nilikha ko.

Hindi ba napakasarap isipin, na sa mga sandaling binabasa ng isang tao ang sinulat mo, ang puso mo at ang puso niya ay nagkakatagpo, nagkakaintindihan, at nagkakaunawaan? Para na rin akong nakipag-kwentuhan sa isang kaibigan, kahit hindi ko man siya nakikita.

Hindi man ako maging sikat na manunulat, nagkaroon naman ako ng mga bagong kaibigan. Makapag-pasaya lang ako ng ibang tao, masaya na ako. Ang pinakamagandang gantimpalang makakamit ko ay yung mga ngiti ng tao, at mga maiiikling salitang nagsasabing, 'Napasaya mo ako nung binasa ko yung ginawa mo. Hindi kita makakalimutan.'

Ang dami kong gustong gawin. Ang dami kong gustong puntahan. Naisip ko tuloy, kulang ang buhay ko para gawin ko lahat ng mga ito.

Habang nagmu-muni ako tungkol sa mga pangarap ko, bigla akong napaisip tungkol sa kamatayan. Lahat ng tao, parang mga utot lang eh. Ilalabas, tapos maghahasik ng lagim, tapos maya-maya, wala na. Nilamon na ulit ng hangin na minsa'y minarkahan niya ng kanyang pagka-tao. Este- pagka-utot.

Ipapanganak ka, mabubuhay ka, makikisalamuha ka sa ibang tao, gagawa ka ng ilan-ilang bagay na magpapaligaya'y magbibigay-pasakit sa ibang tao, tapos tatanda ka, tapos mamamatay ka. Tapos, makalipas ng ilang taon, makakalimutan ka na.

Alam mo kung bakit? Kasi, hindi tumitigil ang buhay, kahit para kanino pa man. Hindi titigil ang pag-ikot ng mundo ng dahil lang sa pagkamatay ng isang tao. Hindi titigil ang pagsikat ng araw tuwing umaga, hindi titigil ang pag-ikot ng tubig mula lupa hanggang langit, pabalik sa lupa, ng dahil lang sa isang taong namatay.

Hindi mo ba naiintindihan?

Isa ka lang sa bilyon-bilyong butil ng buhangin na inilagay ng Diyos sa dalampasigan. Isa ka lang sa bilyong tala na isinaboy ng Diyos sa kalawakan. Paano ka mapapansin, kung ang katabi mong buhangin e walang pinagkaiba sa iyo? Paano ka magniningning, kung ang katabi mong bituin, overchika sa pag-shine?

Magningning ka man, tiyak kong dadating ang panahon na hihina din ang kislap mo, at magiging isa ka nalang sa mga malalamig na tala na nakakalat sa langit.

Mabuhay ka man ngayon, bukas, malamang sa hindi, kakalimutan ka na. Kahit anak ng apo mo, hindi ka na matatandaan.

'Huh? Sinong Lola Karren? Mama ni Lola *insert name of future grand-child*? Hindi ko na po kilala yun. Matagal nang patay yun eh.'

My gosh.

Pwera na lang kung super sikat kang tao, na maraming ginawang kabulastugan o kabutihan na hindi malilimutan ng sangkatauhan.

Lit major ako. Graduate ng Cum Laude sa UST. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang lenggwahe ni Shakespeare. Pag binabasa ko ang mga libro niya, pakiramdam ko, ang bobo-bobo ko, kasi higit isang oras ko binasa ang Act 2 Scene 2 ng Romeo and Juliet bago ko ito naintindihan. Pero sikat pa rin siya, kahit inagnas na ang katawan niya sa ilalim ng lupa. Di ba?

Si Elvis Presley. Malay ko ba kung ano kinanta niya. Pero pati sa karindirya, makikita mong naka-paskil ang mukha niya. Malay ko ba kung anong kaugnayan ni Presley sa mainit at bagong lutong pork giniling with patatas ang carrots.

Sabi nila, patuloy ang buhay, kahit iwanan ka man ng taong mahal mo.

Pero ang hindi binabanggit ng mga tao, na sa bawat paglipas ng panahon na pinagpapatulay ang pagdaloy ng buhay, ay unti-unti na ring nababaon ang alaala mo sa limot. Oo, dadalhin ng mga taong naiwan mo ang alaala mo sa mga puso nila. Pero pano pag namatay na rin sila? Sino pa ang magdadala ng alaala mo? Sino ang magdadala ng mga alaala nila?

Paubos ng paubos ang mga taong magdadala ng alaala mo, dahil sila rin, may mga kanya-kanyang alaalang gusto nilang dalhin habang buhay pa sila.

Mawawalan ka ng puwang sa mundong iniwan mo.

Malaman, may bagong puwang ka sa kabilang buhay, pero ang mundo... iikot pa rin, kahit malimutan ka na.

Bigla akong nakaramdam ng matiding takot. Parang nanlamig yung buo kong katawan, tapos nag-palpitate yung puso ko. Para bang tumakbo ako ng singko sa treadmill ng wala man lang warm up. Dugundong yung pintig ng puso ko, tapos naramdaman kong nanlamig yung dugo ko sa buong katawan ko.

Paano na kung bukas mamatay na ko? Ni hindi man lang ako nakapagsulat, ni isang tula man lang. Wala pa akong natatapos; ni sinkong utot na talata, wala pa akong nabubuo. Paano na mangyayari yung 'pagtatagpo ng puso ko at puso ng mamababasa' chorva na pinapangarap ko? Parang sinilyaban yung pwet ko, tapos parang tinusok ng isang libong karayom yung puso ko. Tapos, yung kaisipan lang na, mamamatay ako ng walang maiiwan sa mundo, naging sapat para itulak ako papunta sa kompyuter ko para magsulat ng kahit na ano, as in NOW NA.

Pero siyempre, dahil magaling ako, wala akong naisulat na matino. Hehe.

Dun ko nalaman kung ano ang pinakamatinding takot ko.

Ayokong mamatay ng walang naiiwan na kahit na ano dito sa mundo. Ayokong dumating ang panahon, na ni pangalan ko ay hindi na matatandaan ng mga tao. Ayos lang sa akin na kalimutan ako. Naiintidihan kong mas maganda ang buhay na naghihintay para sa lahat ng tao pang yumao na sila. Pero ang gusto ko sana, bago mabaon sa limot ang alaala ko, ay makaiwan man lang ako ng kahit konting magagandang bagay sa mundo.

Tawa. Luha. Aral. Kaisipan. Ngiti. Simangot.

Gusto ko, bago ako tuluyang kalimutan ng mga tao, eh may kahit isang henerasyon ng mga tao na dadalhin sa kani-kanilang mga puso't buhay ang mga bagay na sinulat ko.

Masyadong kampanti ako sa buhay ko. Lagi kong sinasabi, 'may bukas pa, may bukas pa. Wag na muna kong magsulat ngayon, kasi may bukas pa.' Pero sa kaka-bukas ko, hindi ko napansin, na yung 'bukas', nagiging 'kahapon' din. At kapag iniisip ko kung anong ginawa ko 'kahapon', nalulungkot ako kasi inaksaya ko ang isang araw na dapat sana, may ginawa ako para sa katuparan ng mga pangarap ko.

Yung 'bukas' na sinasabi natin, yun yung 'ngayon'. At kung may gusto akong gawin, dapat simulan ko 'ngayon', para kung magtagpu-tagpo ang 'kahapon', 'ngayon', at 'bukas', ang mabubuong imahe ay hindi imahe ng pagsisisi at kabiguan, kundi ang imahe ng tagumpay at katuparan ng pangarap.

Kaya ito, pagkatapos ng ilang 'bukas na', sa wakas, umupo din ako sa tapat ng computer para isulat ito. HIndi man ito umabot sa palimbagan, at least, naisulat ko ito, at malamang, maipabasa din sa iba.

Thursday, April 10, 2008

One Step Forward


It's been more than a month since my last post, and weeks since I last allowed myself to contemplate and write whatever it is I'm thinking about. Got drifted away by the stuff that's been happening around, fandoms, daydreams, work, stress... things like that.

At the end of the day, no matter how much I want to write, I could only curl up with my pillows and read myself to sleep.

BUT ANYWAY~! I'm back, and I have tales to tell.

The Exam From Hades

Let's face it. I was too overconfident. I have two glowing recommendations from former professors, a brilliant copy of my transcript of grades, proof that my thesis was granted Best Thesis Award for 2006, and a certificate stating that I graduated cum laude. Failure is not an option, because a) My requirements kicked ass, and b) I had to hope for the best because this is the first step towards my dream. I HAD to pass. I HAD to get in. And with that in mind, I knew that I WILL pass. I have to believe in that, if nothing else.

A week after I passed the requirements, I got a call from UP regarding the schedule of my entrance exam. I tried to ask what the scope of the freakin' exam would be, but they wouldn't give me a clue. I figured that since I'm applying for Comparative Literature, they'd just make me read some sort of story and have me deconstruct it into tiny little pieces using whatever theory and whatnot. It was either THAT, or they'd make me read and/or write about anything under the effin' sun. I brushed the exam off. Didn't even study for it, because I don't even know what I should study for in the first place. So I'd play things by ear. Swing it, you know? Yeah, I know. That was pretty arrogant of me. I thought I could just breeze through it. It turns out that I still have much to learn when it comes to being prepared, and when it comes to being too cocky.

I had the gall to be late on the day of the exam. Yeah, sue me. I overslept. Five minutes wasn't much, but hey, impressions matter. So there I was, panting like a dehydrated Rottweiler, staring at the room with a sheepish smile on my face. Heck, I was lucky the moderator was pretty nice, so she just gave me a smile and handed me my exam paper. When I looked at it, though, it felt as if my brain went on strike and decided to go to the Bahamas for a vacation.

1. They want me to discuss a theorist that made a significant contribution in the realms of literature/philosophy/culture, may it be postmodernism/structuralism/gender issues/modernism/feminism/ or whatever f*ckin' ism they taught us in college; to discuss what the theory is about, and to dish out a few critical terms pertaining to said theory. They want me to state its relevance and contribution to Literature, and blah blah blah yadda yadda yadda. They want me to discuss it briefly but comprehensively. In short, they want me to write about something I haven't thought of in, what, two damn years.

2. They gave me a ten-page short (yeah right) story and wanted me to dish out a /crtical analysis/ of it using any theory whatsoever.

No shit.

I was staring at my paper like a freakin' moron for fifteen minutes, because hell, it freakin' blew me off. I was laughing to myself like a lunatic. I was twirling my pen over and over until it clatters off, and I had to say 'sorry' over and over again because I kept distracting the other examinees.

It's not like I don't know anything. I mean, I want to believe that after four years of hard-ass literary college education, I could pretty much recite theory after freakin' theory, but still, the exam had me floored. I wasn't prepared for that kind of comprehensive exam. I hadn't studied, and I hadn't thought of Spivak, or De Sausurre, or Levi-Strauss, or Horkheimer for two freakin' years. Their words, I could remember. Their messages and core theories, I understood by heart. But that doesn't mean that I could effin' discuss them comprehensively in an exam! Why didn't they just ask me to explain it in front of a class? That would be way easier than trying to write in in such a structured way. I was expecting an entrance exam, not midterms or finals, dammit!

For fifteen minutes, my mind went completely blank. I couldn't think of anything, 'cept how much of an arrogant ass I was. What was I thinking, walking into an exam unprepared? It was the State University, dammit. I kept trying to remember everything I learned before, but they were so elusive. It was like trying to grab a fistful of water. Just when I thought I had it pinned, everything would slither away like coiling snakes. I couldn't concentrate, even when I skipped the first part and tried to read the short story instead. I knew how to 'critically' analyze a story or a novel better than I could dress myself for an important business meeting, but even so, I was still so shocked, that I couldn't understand a word I was reading.

I kept praying and praying, thinking that I couldn't screw this up. I was talking to God, telling Him how much of an ass I was (not that I needed to say that), but I would really, really, really appreciate it if He would help me pull this off. I knew the theories, I knew the terms... I just have to explain it well in paper.

I took a few deep breaths, and told myself that chuckling like a deranged jackal would help. Nor would trying to berate myself will. So I gathered what was left of my wits and read the damned story and 'critically analyzed' it. I used up two legal pads, back to back. The second part done, I hesitantly stared at the first part again, and felt my heart sink to my toes.

I still don't know what theory to use, which theorist to introduce.

I wanted out.

I really wanted to get a breather, so I flashed the proctor a cheeky smile and asked if I could go out for a short break. I was out of the door before she finished her sentence. I headed straight to the cafeteria, bought myself a Pork Tonkatsu Meal, and ate like it was my last meal.

My friend was an angel. Throughout the time I was being a moron, she just stood (sat) my me and constantly gave me reassurances. I dunno how she did it. She was floored, too, but she got her composure way before I did. She was so cool about it all. 'Twas a total reversal of roles, and I wouldn't have it any other way.

ANyway, in between bites of cholesterol, I sent my aunt an SMS and told her that I'm practically puking blood because of the exam. She laughed at that, and cracked a few jokes that helped loosen up my frizzled spirits. And then out of the stinkin' blue, my mama sent me a message that was probably the reason why I was able to get back to my feet and conquer that exam.

She told me that I must pass the exam. She told me that I will pass the exam. She told me to believe in God, and to believe in my dreams. She told me to believe in myself.

Mama. The very same person who used to be my worst enemy. The very same person who I thought was the sole person standing between me and my dreams. My mother.

Crap, I nearly bawled my eyes out. And my mouth was full of tonkatsu, too.

I hauled it all in, tonkatsu, rice, side dish and all, and got back to the examination room, and wrote like crazy for the next hour.

I gave them a freakin' Gayatri Spivak and her theory about the Sub-Altern, but I wouldn't go there anymore. ^^;;;

When I finished that freakin' exam, I thought I was in heaven. I couldn't believe my luck. I couldn't believe that I was able to pull that off, in spite of my moronic antics and my arrogance. I was wrong, yes, and I paid dearly for that miscalculation, but I'm ever so grateful to the people to knocked me back to my feet.

I said I am a Superhero, and people agree. But I have to say that I won't be the hero I am today, without the people who kept backing me up. There are people who kept pick me up when I fall flat on my face. There are people who'd hand their swords to me when mine would break. And there are people who'd boost me up and protect me when all of my armor falls off.

It was a hell of an exam, but I pulled through.Thanks to God, and thanks to the people He sent to help me, even when I was a complete ass.

The Call

So yeah. I've put it all behind me. I fell flat on my face, learned my lesson, and stood back up.

I did my part. And now I must wait for the decision.

A week has passed, without me ever trying to think about it. I was pretty sure I'd be accepted, but it's not because I'm still an arrogant prick.

I mean, have you ever wanted something so much, that when you wish for it with all your might, it would come true?

Have you ever felt as if /something/ is calling you? Something BIG out there is trying to reach out for your soul, and you have no other choice but to heed its call?

That was what I was feeling? And it's what I still feel now.

I feel as if I was made for that uni. I feel as if I have to take up my MA there, and nowhere else. I don't even know what would happen if I actually passed... I just felt as if I /had/ to be /there/.

It's pretty much blind faith, too.

So I waited. And waited. And waited. But I couldn't wait anymore, dammit! They said they'd have the results the week after, but was there any? None. Zero. Zilch. Nada. I decided to take matters into my own hands and so, two weeks after the exam, I gave the uni a call to ask if I made it.

It was a crazy call, I tell you. The coordinator couldn't get out from her seat, so this clueless guy was passing our messages back and forth. He even slipped a little and told me that no, I didn't make it, but he pretty much took it back when I practically screamed in his ear. He told me that the results weren't out yet, and could I call back on Thursday, thank you?

Gawsh, I was pretty much shaking by that time, so I just said OK, and hung up on him before he could utter another stupid word.

Afternoon found me in a board room, conducting a meeting with my clients when my cellphone rang. I excused myself and answered the call. It was from a private line, but I thought it was another client, so imagine my reaction when the caller said that she was the coordinator of English Department.

"Hello? Is this Karren?"

Like duh. "Yes, ma'am. Who is this, please?"

"Ah, Karren! This is Julie, from the English Department. You were the one who called earlier, right?"

"Uh... yeah?"

"Well, I just called to tell you that you got accepted for the Comparative Literature program," she said.

I was quiet for like, two nanoseconds before I was able to answer. "Uh... WHAT?!"

"You got accepted for the MA CL program you applied for."

"Uh... does that mean I passed?" Stupid much? Sue me. They called me in the middle of a meeting to drop a bomb like THAT, and you expect me to have my wits intact?!

"Yes, Karren. You did." She might have laughed at my stupidity, but I was beyond caring by that point. I passed, dammit!

"So, uh... When's the enrollment?"

The conversation became a bit blurry after that. All I caught was 'next week' and 'graduate school office', and 'admission', because heck, it felt as if I have a flock of blackbirds fluttering around in my stomach, and I want to shriek them all out! I managed to alienate the guard and the receptionist on my way to the board room, and when I sat back down, I think my face was so red from trying hard not to scream in elation. My clients teased me about it, and I had to blurt out that I passed, dammit, and damn. It felt good.

In hindsight, I think I wouldn't be /that/ happy if I didn't have that fumble during the exam. That I managed to get myself back up after a stupid fall made the victory worthwhile, you know? It felt as if I really conquered that exam. It felt as if I deserved that admission.

It felt so great.

I kept saying that this is the first step towards my dream, and though I don't know the why's and how's, I just know that it /is/. I don't even know what's in it for me in the uni, or if MA studies is just like my undergrad studies, but heck, I have a feeling that this is the start of my journey, you know?

And it feels good to be back on track, you know?

Not that the two years I've spent working for my mom and the family business wasn't worth it, or anything. I was against it at first, thinking that being stuck as the heiress to a family business would stop me from achieving my dream, but as days went by, I realized that I didn't have to sacrifice anything at all. No dreams would be sacrificed, no future would be compromised.

I helped my Mom achieve her dreams, and now she's helping me conquer mine.

It feels great to be back.

Monday, March 3, 2008

Kaliwa't Kanan

Kaliwa't Kanan: Isang Repleksyon ng Batang Balahura
(December 2004)

Minsan talaga, mapapakamot ka nalang sa mga pangyayari sa mundo. Nakakabighani talaga yung daloy ng buhay. Yung agos ng kapalaran. Nakaka-amaze, kung paano mag-function (malfunction?) yung tinatawag nilang 'Nature' at 'Destiny'. Yung clockwork ng mundo. Yung script ng mundo. Mapapanganga ka nalang minsan sa sobrang pagkabighani. Pero kung anong daming beses ka ngumanga, ganong daming beses ka ding magtataka, iiyak, at masasaktan.

Paano kayang nagiging posible na sa isang sulok ng mundo, may masaya, habang sa kabila, may umiiyak? Paano kaya nangyayari yung, habang tuwang-tuwa ang isang tao sa buhay niya dahil nakahanap siya ng kapayapaan ng damdamin, sa kabilang dulo naman, may sinasaktan? May tumatawa, umiiyak, nagugutom, nagpapaka-bachoy, nabubuhay, namamatay, lumalabang mabuhay, nagpapakamatay, ayaw nang mabuhay, pinapatay, nakikipag-sex, nire-rape, tumatae, umiihi, nagkokompyuter, nanlilimos, nagbebenta ng droga, nagbebenta ng popcorn, natutulog, hindi makatulog, nagtutulug-tulugan para hindi maispatan ng nanay na walang ginawa kundi mang-utos, gumagawa ng project, binabayaran para gumawa ng project, naghahanap ng project sa Recto, nag-aaral, nagkukunwaring mag-aral, nagbabasa ng porn, nagbabasa ng Bible, nagpapantasya sa mga kaguwapuhang mga kalalakihan(EHM!), nangbabasted ng mga kaguwapuhang kalalakihan (sana), at kung anu-ano pang karumalduma na gawain. Lahat iba-iba, pero nangyayari ng sabay-sabay.

Isang daang bilyong aktibidades, sakop ng isang sandali.

Nakaka-bighani. Sa isang segundo, bilyong-bilyong buhay ang nagbabago. Sa isang segundong pumapatak, bilyong-bilyong iba't ibang akitibidades.

Pero minsan talaga, parang may mali.

Nung isang linggo, nung Thursday, may bagyo. Gabi noon, mga alas-nuwebe siguro. Nandoon ako sa kama ko, nakadapa, nakangiti, komportable, at masaya. Sa labas ng bahay, nagwawala ang kalikasan. Malakas ang ulan, humahagpas ang hangin. Parang battle ground sa labas; nagmistulang mga latigo ng mga tirano ang mga dahon ng puno ng niyog ng kapitbahay naming, humahampas sa pinakamalapit na inosenteng biktima. Daig pa sa sipol ng lola ko ang hanging umuungol sa labas. Yung ulan naman, akala mo, may isang daang libong higante ang tumoma ng barrel-barrel ng gin at nagdisisyong sabay-sabay umihi. Parang galit ang mundo, parang naghihiganti. At syempre, ako naman, adik sa ulan kaya enjoy ako. Mas gusto kong umuulan kaysa umaaraw. Mas gusto ko ang halik ng malamig na hamog kasya ang sampal ng tuyong hangin.

Masaya ako. Komportable. Nasa kama, nakakumot, nagbabasa ng paborito kong libro, katabi ang mga unan kong may mga bakas ng laway sa pag-tulog, at mga nilapastangang stuffed toys ng kabataan ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin dinidispatsa. May bubong sa ulo ko, puno ang tiyan ko, at ang pamilya ko, nasa ibang kwarto lang.

Ayos ang buhay ko.

Pero may mali.

Parang ang sakit naman yatang isipin na habang masaya ako sa buhay ko noong gabing yon- may bahay, komportable, busog, tuyo- may mga taong nawawalan ng bahay, dahil sa ulang mahal na mahal ko. May mga hindi kumakain. May mga taong nakabalunbon sa manipis na kumot, nangangatog, nagaalala para sa mga kapamilyang malamang ay tinangay na ng malakas na baha. May mga taong umiiyak, humahagulgol kasabay ng kalikasan, dahil natangay na ng bagyo ang lahat ng meron sila. May mga batang natatakot, hindi alam kung bukas, buhay pa sila. May mga ina na hinahanap ang anak, at mga anak na umiiyak para sa mga magulang nila.

Lahat yan- at higit pa- ay nangyayari noon, habang ako, nagpapantasya na naman kay Yohji Kudo at ang iba pang malinamnam na lalaki ng isang anime.

May mali, diba?

Hindi dapat nagpapaparty ang mga tao sa Malate, o nanonood ng BCUZ OF YOU ang ilan sa mga Pilipino habang ang karamihan sa mga kapatid nating Pilipino ay sinasalanta ng kalikasang naghiniganti dahil sa panlalapastangan sa kanya ng tao. Hindi dapat ako nagpapantasya na magiging kami ni Yohji, habang may isang babae, somewhere out there, ka-edad ko, ang nangangatog sa lamig dahil tinangay na ng baha ang bahay nila. Hindi dapat nanonood ng Lovers in Paris ang pamilya ko, tumatawa dahil ang kenkoy daw ni Carlo at parang kaaliw-aliw na retarded si Vivian, at nakakakilig si Martin.

Hindi dapat.

Pero hindi nating pwedeng sabihin na wala tayong karapatang magsaya, dahil hindi naman natin kasalanan na meron tayo at wala sila.

Nakakainis. May mali talaga.

Bakit kaya ganon?

Ngayong mga nakaraang araw, masayang masaya ako. Mapayapa ang buhay ko, dahil nagbalik-loob na ako kay Papa Lord. Gumaan ang pakiramdam ko. Wala naman talagang nagbago. Retarded parin ang mga kaklase ko, asshole pa rin yung ibang professors ko, at nearly-impossible pa rin ang nanay ko. Walang nagbago; madami paring kailangang gawin, at HotSeat parin ako sa To-Blame list ng mga kamaliang nangyayari dito sa bahay. Walang nagbago, pero masaya ako, dahil hinarap ko na ang mga kailangang harapin, at pinakawalan ko na ang lahat ng dapat pakawalan. Kung matatag ako noon, indestructible na ko ngayon, dahil may direct link at recognition na ako sa totoong pinanggagalingan ng lakas ko.

Wala nang kayang tumalo sa akin. Kapag kasi Diyos ang kakampi, ikaw na siguro ang pinaka-malakas na tao sa mundo. Wala nang problema ang hindi kayang lutasin. Pero nakakalungkot isipin, na habang nakakaramdam ka ng ganitong klaseng kaligayahan, sa eksaktong oras na ito, mayroon ding isa, dalawa, o isang daang milyong taong hindi na alam kung saan pa makahahanap ng kaligayahan.

Parang ang hirap isipin, na habang may nangyayaring tama, may kasabay na may nangyayaring mali.

Masaya pa rin ako ngayon, kahit minsan pikon ako sa mga tao dito sa bahay. Masaya pa rin ako sa buhay ko, kahit araw-araw barrel-barrel ang mga nakakapikon na bagay ang nangyayari sa akin. Masaya pa rin ako, at pinipili kong manatiling masaya, sa kabila ng lahat ng pwedeng mangyari, kahit alam kong sa segundong ito may trahedyang dumadating para sa isang tao, sa ibang parte ng mundo.

Kanya-kanyang buhay yan eh. Kanya-kanyang pagdala ng mga bagyong sumasalanta sa bawat pagkatao ng tao. May mga ipinanganak na meron, may mga ipinanganak na wala, at hindi kasalanan ng meron kung bakit wala ang wala. Ganyan ang buhay, eh. Nasasasa mga tao nalang yun, kung nanaisin ba nilang magbigay ng kung anong meron sila-

kahit panalangin man lang.

Para sa mga taong nasasaktan.

Para sa mga taong nahihirapan.

Para sa mga taong umiiyak.

Para sa mga nawawalan na ng pag-asa.

Wala akong sinasabing tumakbo tayo sa pinakamalapit na relief center at i-donate ang lahat ng meron tayo. Hindi ko din sinasabing magpakalunod tayo sa angst dahil *parang* mali na masaya tayo't komportable, habang madaming nagdudusa- emotionally, physically, spirtually, economically (EHM!), at lahat pa ng klaseng '-ally'. Hindi yun yon eh. Ang akin lang, sana alam ng mga tao na ganito ang mundo.

Nagsisimula ang mga bagay sa simpleng kaalaman lamang. Bahala na kung may aaksyon.

Wala pa tayong magagawa ngayon, lalo nang karamihan sa ating kabataan, eh, nakasalalay lang sa kung ano mang ibibigay na baon ni komander, pero maayos na din yung may alam tayo-

Na hindi lang ang realidad natin ang realidad ng mundo...

Na sa labas ng mga komportableng kwarto natin, ay may mas malaking mundo...

Na may iba pang tao, higit pa sa mga taong nakikita natin araw-araw.

Dyan-dyan sa tabi, may tumatawa. May umiiyak. May sanggol na ipinanganak, at may mamang binaril sa madilim na eskinita. May mga taong daig pa ang payaso kung makangiti, at may ibang nagmistulang nilulunod sa sarili nilang luha. May mga nagpapah-teh sa Rockwell. May isang babaeng ginugulpi. May nagwawaldas ng milyon. May naghahanap ng piso.

Patuloy ang buhay. Magkakaroon pa rin ng mga bagyong kebabantot ng pangalan. May mga mamamatay, may mga ipapanganak pa lang. Mahirap mang tanggapin, may mga katotohanang hindi na pwedeng mabago. Sisikat ang araw sa silangan, at lulubog sa kanluran. Bilog ang mundo, at hindi ito mapipisat (pwera nalang kung mawala ako dito). Kumakahol ang aso at magmi-meow ang pusa (pwera nalang kung may identity crisis). Kahit anong gawin natin, may mga bagay talagang habang-buhay nang mananatili.

At kasama na dun ang weirdong pagpapatakbo ng tadhana sa buhay ng mga tao o ang weirdong pagpapatakbo ng tao sa buhay nila. Eh, ano man yun; tadhana, tao, kapalaran, bahala na. Basta yan ang buhay. Makulay.

At ikaw ang magpapatakbo ng buhay mo, ano man ang mangyari sa mundo.

Friday, February 22, 2008

Anumalya sa Roxas Boulevard

Tuwing Martes ng gabi, pumupunta kami ng pamilya ko sa simbahan ng Baclaran. Doon kami nananalangin, nagpapasalamat, at nanghihingi ng saklolo sa Patron ng simabahan. Doon ako nananahimik, nakikipag-usap kay Lord, nakikipag-harutan sa hindi makitang anghel, at doon ko binubuo ang mga plano kong sakupin ang kalawakan.

Doon ako nagdadasal para sa mga pangarap ko, pangarap namin ng nanay ko, at pangarap ng lahat ng mga taong malapit sa buhay ko. Doon ako nagdadasal para sa mga taong nanghihingi ng panalangin. Doon ko pinapanalangin ang lahat ng taong nanghihingi ng tulong - mga taong hindi ko pa kayang tulungan sa ngayon.

Doon ko isinusumpang ang buhay ko ay naka-laan lang para gampanan ko ang tungkulin ko bilang anak ng Panginoon. Doon ko pinapangako ang sarili ko sa Kanya, at sa mismong krus na iyon ko pinapako ang lahat ng mga saloobin ko.

Nakakaburat namang isipin na kagagaling ko palang ng simbahan, ay may anumalya akong makikitang magpapakulo ng dugo ko.

Nang pauwi na kami, nakita ko sa kalsada ang isang palaboy-laboy na pulubi. Malnoris, marungis, at mukhang katotoma pa lang ng rugby. Parang nahagip siya ng malakas na ipuipo kasi sabog yung buhog niya't parang basahan nalang ang suot niya. Warak sa balikat, at may mahabang punit sa harap. Wala siyang tsinelas.

Nakaka-awa, diba?

Hinde.

Nakakapikon. Kasi may karga siyang sanggol na malamang ay wala pang dalawang buwang nabubuhay sa mundo. Sa itsura pa lang ng sanggol, mukhang hindi na tatagal pa ng dalawang buwan. Nakabalot lang sa manipis na kumot yung sanggol, at nakahalundusay ito sa balikat ng batang pulubi, habang kumakatok siya sa bawat bintana ng mga kotse.

Patawarin ako nawa, pero gusto kong sampalin ang bata, at nakawin ang kawawang sanggol. Nagalit ako sa bata, sa sindikatong may hawak sa kanila, sa pulis na pinapanood lng ang anumalyang nagaganap. Kawawa ang sanggol.

Sa loob-loob ko, 'Oh my pwet, what the f*ck. Shet na malagket. P*nyetang bata yan. Papatayin yata niya yung sanggol.

Parang armalite ang paglabas ng mga salitang inaapoy sa init. Parang gusto kong manakit ng tao, gusto kong iligtas ang naninigas na sanggol. Bukas-makalawa, patay na siya. Paano nila nasisikmura ang ganyang sitwasyon? Paano nila nakakayanang makita ang mga batang 'yon na palaboy-laboy sa kalsada, itataya ang buhay ng mas mahina sa kanila para lang sundutin ang mga puso ng mga taong 'may pera'.

Hindi ko alam kung kanino ako magagalit. Basta, galit ako. Galit ako sa bata. Galit ako sa mga pulis. Galit ako sa mga magulang ng mga bata. Galit ako sa pangyayari.

Pero sa huli, nauwi sa sarili ang galit dahil wala din akong nagawa.