June 15, 2009
2247 H
Ang Pasaway na Baseball Player
Inabot ako ng mga thirty minutes kung saang lenggwahe ko ito isusulat. Naisip ko kasi sobrang effort pag English, kaya barubalan nalang ng bonggang bongga. Effort pa mag-Ingles, hindi din bagay sa mood ko, kaya eto nalang. Barubalan to the maximum level.
Pero bago ako magsimula, gusto ko lang magreklamo dahil ang tabang ng Lucky Me Supreme La Paz Bachoy ko. Bakit ang daming nilagay na tubig ni Jane? Hindi ko ma-feel ang pagmamahal! Hindi ko ma-feel ang Bachoy!
Yun lang.
Tatlong taon na ko sa trabaho ko, pero hanggang ngayon, ni kalahati ng puso ko hindi ko pa maibigay sa trabaho ko. Malaki-laki din responsibilidad ko. Kung hindi ako kikilos, humigit kumulang sikwentang pamilyadong tao ang magugutom. Yan ang unang unang lesson na binigay sa akin ng mama ko. Na ang kompanya namin, hindi lang itinayo para sa amin. Para din yan sa mga taong umaasa sa trabahong binibigay namin sa kanila. Para din yan sa mga pamilya nila. O diba, san ka pa.
Naiintindihan ko naman yun eh. Ang hindi ko maintindihan yung gwakananginang ugali ko. Simula pagkabata ko, pinipili ko talaga yung mga bagay na gagalingan ko. Sa trabahong bahay palang eh. Alam mo yung ugali ng mga inutil na bata na pagnagwawalis, imbis na salukin yung dumi, itatago nalang sa ilalim ng carpet o kaya sa ilalim ng sofa? Ako yun. Tapos yung kwarto ko laging parang dinadaanan ng delubyo. Magulo, daig pa kwarto ng lalaki. Sa isang sulok nakatambak yung daan-daang libro. Tapos sa isang sulok yung mesa ko na hindi mo maintindihan kung work area ba ng inhinyero o ng writer o ng computer programmer o ng rakista. Tapos may gitara pa sa likod ng pinto na ilang taon nang hindi natotono't nagagalaw. May tv ako sa kwarto, pero pag pinahid mo kamay mo, itim agad daliri mo sa kapal ng alikabok. Kalat-kalat din yung mga CD ko tsaka DVD, tsaka yung mga gadgets na hindi mo alam kung para saan ba. Sinukuan nalang ako ng nanay ko eh.
(Ang tabang talaga ng sabaw, pocha.)
Sa school din. Tingnan nalang ang grades eh. Alam niyo bang pumasa lang ako sa Chemistry dahil 'mabait' daw ako? Ganito yun eh.
Karren (siryoso, repentant, mabait): Madam, gusto ko lang po malaman kung makakapasa ako sa Chem? Lagot po ako sa nanay ko pag bumagsak ako. Tapos kailangan ko din po pumasa kasi maga-apply po sana ako bilang officer.
Madam (sabay akbay): Ok lang yun, Karren. Mabait ka naman eh.
Karren (tameme, natanga ng ilang seconds): Ha? (Sabay bawi) Ay. Tenkyu po, Madam.
Nung college din. Mga gen subjects, binalasubas ko lang. Pero pag gusto ko, malamang kung may grade pang mas tataas sa uno, yun na grade ko.
Pagdating sa mga bagay na gusto ko, todo effort binibigay ko. Kung kaya ko lang ibigay ang buong puso't kaluluwa ko, ibibigay ko. Thesis, college, pagiging presidente ng Lit... lahat yan, pinagtuunan ko ng pansin. Pero pag ayaw ko, kahit magmakaawa ka sa akin, tingnan ko lang kung gawin ko ng matino yan.
Dumating sa punto na inisip ko, kung wala ang pagsusulat ko, wala na si Karren. Pagsusulat ko nalang yung nagdikta ng pagkatao ko. Pag inalis mo sa akin yun, malamang sa basurahan nalang ako dadamputin ng Pilipinas. Dumating sa punto na ito nalang yung pinanghahawakan ko, at ito nalang yung gusto kong gawin bawat sandali ng bawat araw. Pagsusulat at pagbabasa. Panitikan. Literature. Wala nang iba.
Tapos ito. Bigla akong itatapon ng tadhana sa kompanya ng nanay ko.
Parang ganito yan eh.
Para akong MVP volleyball player na biglang ninenok sa court ng mga aliens, tapos biglang dinispatcha sa baseball field. Binigyan ng baseball bat, tinapik sa likod, tapos iniwan nalang basta basta. Ibang mundo, ibang laro. Ibang rules, ibang mechanics. Parang... heller. Anong gagawin ko dito?
Ano nga ba ang gagawin? Magmaktol at hanapin ulet ang volleyball court, o alamin ang laro ng baseball para matuto kang makipagsabayan?
Sinubukan ko naman alamin yung baseball eh. Marunong na ko, kahit konti. Kala ko ok na yun. Hindi pala sapat yung alam mo yung rules. Kulang pala yun, kasi yung puso ko, gusto pa ring maglaro ng volleyball. Yun yung pakiramdam ko ngayon. Habang hawak-hawak ko yung baseball bat, habang tumatakbo ako sa field, nandun yung puso at isipan ko sa volleyball court.
Puro tuloy ako penalty dito. Puro time-out. Puro nalang kapalpakan. Lalo ko tuloy hinahanap yung sarili kong court, kung saan ako naghahari. Dun sana ako, kung saan yung bawat spike, bawat block, bawat serve, tumatatak sa utak at puso ng manonood. Dun ako kung saan lahat ng coach mahal ako. Dun ako kung saan kahit nagkamali ako, alam kong ayos lang kasi alam ko naman kung pano bumawi. Nami-miss ko na talaga yung volleyball court.
Kahit sabihin pa nating pinapayagan ako ng baseball coach kong magvolleyball paminsan-minsan, iba pa rin eh. Wala ako sa court. Naiintindihan niyo ba yun?
Ha? Hindi? Ah ok lang. Ako din hindi ko maintindihan eh. Lam niyo kung bakit? Kasi hindi ko din maintindihan kung bakit biglang umalat na yung sabaw nung Batchoy. Siguro kasi hindi ko hinalo kanina.
Nasan na ba ko?
Ah.
Dun.
Medyo masama araw ko kanina. Parang lahat yata ng kakulangan ko sa opisina hinahanting ako, kaya sunod-sunod ang sermon mula sa iba't ibang tao. Umiinit na din ulo ko kasi hindi pa umiinit pwet ko sa upuan ko, may tatawag na naman sa pangalan ko. Umiinit na nga ulo ko sa mga sermon, umiinit pa ulo ko sa sarili kong kapalpakan. Kung di lang dahil sa Vitamin B, malamang marami na kong pinatulan at sinungitan. Effective, pare. Hindi matuloy tuloy ang pageemote ko ng bonggang bongga.
Kanina, siguro pang forty-seven million times na kong nasermonan ng nanay ko. Bawat araw may sinasabi yan, bawat oras may hinahanap. Hindi ko din sya masisisi eh. Hindi naman tyrant ang nanay ko. Sa katunayan, wala na kong makitang mas mabait pang boss dyan. Marami akong naririnig na kwento. Iba ang nanay ko. Mas mabagsik pa ko dyan eh. Ang nanay ko, mahal ang trabaho niya, at mahal ang mga tao niya. Pag nakikita ko siyang subsob sa trabaho, nahihiya nalang ako kasi hindi ko masuklian yung dedication niya eh. Hindi lang kaming magkakapatid ang pinapakain niya. Hindi lang kami ang pamilyang binubuhay niya. Pero kaya niya. O san ka pa?
Bakit hindi ko siya masuklian, kahit konti?
Sabi niya kanina, bakit pag propesor ko ang humiling, kulang nalang lagyan ko ng ribbon yung folder ng papel para lang sumaya sila. Bakit pag siya humiling mga pitumpu't pitong mura muna ang aabutin bago ko magawa yung pinapagawa niya?
May mali talaga sa akin eh.
Yun yung susubukan kong ayusin ngayon. Unti-unti. Dalawampu't tatlong taon ng masamang paguugali, susubukan kong baguhin. Ang excellence daw, sabi ng nanay ko, walang pinipili. Naiintindihan ko yun. Susubukan kong gawin ng maayos hindi lang yung mga bagay na gusto kong gawin, kundi pati na din yung mga bagay na kailangan kong gawin. Mahirap yun, kasi habit ang titibagin eh. Parang complete 180 ang ikot ng mundo nyan. Syet, ibig sabihin din nun magiisip na ko. Ayoko pa man ding gumamit ng utak, kasi masakit sa ulo. Di bale na. May bukas pa.
Dito muna ko sa baseball field. Aayusin ko muna yung laro ko dito, bago ako bumalik sa volleyball court ko. At least, kahit umalis ako dito, alam kong kahit minsan eh nakapag-MVP din ako dito. Alam kong madami akong natulungan, at napabuti ko pa yung sarili ko. Self-improvement nalang eh.
Nandyan lang ang volleyball court. Malamang pagbalik ko iba na yung players, pero tingin ko, pag mahal mo yung ginagawa mo, kahit ilang taon kang hindi naglaro, babalik at babalik pa rin sa iyo yung pulso mo sa laro.
At titigil na din ako kasi malamig na yung sabaw ko.
Monday, June 15, 2009
Saturday, June 13, 2009
Hango sa Edited Conversation ng Superstar at Superhero
Superstar: Eto na ang pagbabalik! Ako ang magre-represent ng mga taong nagaabang sa'yo. Wag mo kaming biguin.
Superhero: TAE. Wala namang naghahanap sa akin, kelangan ba akong madaliin.
Superstar: E wala ka rin namang hinihintay eh. Kailangan mo bang tumigil?
Superhero: Ah syet.
WAPAK. BASAG. Walang masabi ang Superhero. Nilampaso ng Superstar.
Siguro mga tatlo't kalahating segundo nakatingin ang Superhero- na ngayon ay babansagan kong SH dahil mahaba masyado ang Superhero- sa IM bago nakasagot. At matapos ang paguusap ni SH at ni SS (Superstar), mga tatlumpung minuto pang pinaulit-ulit ni SH ang pagbabasa ng mga linyang nakatala sa taas.
/E wala ka rin namang hinihintay. Kailangan mo bang tumigil?/
Bakit nga ba tumigil si SH? Ano ang hinihintay niya? Sino ang hinihintay niya? Malamang ang isasagot ng inutil na SH ay, 'mga salita', kasi hindi siya pinupuntahan. Pero lumang palusot na yan eh. Alam naman niyang hindi salita ang pupunta sa kanya, kasi siya ang may kapangyarihang gumamit ng salita. Kahit gaano katiting lang yang kapangyarihan na yan, kapangyarihan pa rin yan.
Bakit nga ba tumigil si SH? Siguro kasi naadik sa pagbabasa, at masyadong nabighani sa salita ng iba. Naudlot tuloy yung mga sarili niyang salita, kasi parang... bakit pa siya magsasalita, kung ang daming tao na ang nagsasalita ng mas maigi pa sa pagsasalita niya?
Siguro din kasi, nawalan ng sapat na lakas para maglaslas at magbukas ng sugat na matagal nang nahilom. Kasi naniniwala si SH na hindi makakapagsulat kung walang dugong dumadanak. Yung dugong yun yung magbabalik ng lahat ng alaala, lahat ng pasakit, lahat ng luha, lahat ng pighati. Yung dugong yun ang itatapon sa papel. Siguro tinamad si SH na magbuklat ng sugat at maghalungkat ng mga alaala. Nawalan ng gana si SH na mag-effort, kasi mahaba pa naman ang buhay niya eh. Bakit magmamadali?
Oo nga. Tama. Hindi dapat magmadali kasi pag nagmadali ng bonggang bongga, maaaring makalimutang namnamin ang bawat sandali.
Pero hindi din ibig sabihin nun na tumigil ng todo at magtamad-tamaran. Kasi nga naman, ang sabi ng matatalino, ang pangarap, mananatiling pangarap lang hangga't hindi ka gumigising. Dati gumising na si SH kaya lang tinamad ulet kaya natulog ulit. Ngayon, nagising na naman, kasi tinabla ng Superstar- este- ni SS.
/E wala ka rin namang hinihintay. Kailangan mo bang tumigil?/
Kelangan nga ba? Siguro, kailangan, kahit sandali. Kailangan tumigil para makapag-power up. Para makapag-nilaynilay. Para makipagligawan sa mga salita. Pero hindi yung tigil ng bonggang bongga. Dun ako magaling eh. Tamad ang Superhero.
Minsan pang sinabi ni SH sa bespren niyang Bochog na nawawala ngayong gabi, 'Sa Japan, buds. Dun magsisimula ang lahat. Pag punta ko dun, malamang makakahinga na ko ng maayos. Makakapagsulat na ko.'
Epal. Bakit kailangan pang hintayin pumunta sa Japan bago magsulat? Mga pakulo ng Superhero eh, may pagkatanga din. E kahit kalokohan lang isulat, basta pag ginanahan, magsulat.
/E wala ka rin namang hinihintay. Kailangan mo bang tumigil?/
Magic! Nawala ang magic! Nawalan ng gana! Nawala ang mga salita! Wapak! na palusot yan. E sintusinto ka pala eh. Kung walang magic bakit hindi ka gumawa ng sarili mong magic? Writer's Block ba? Taeng writers' block yan, abutin daw ba ng ilang taon.
Kung may block, bakit hindi tibagin.
(Kasi mahirap.)
Walang hirap hirap!
(Tae, mahirap talaga.)
Eh diba sabi mo Superhero ka!
(Oo nga. Superhero nga. Baliw na din kasi kinakausap ang sarili.)
Eto tuloy ang SH, nagsusulat ulit, para sa kinabukasan ng bayan- este- para sa pangarap. Bahala na si Batman. Basta ang usapan, kada alas diyes ng gabi, magsusulat. Parang 3-O'Clock habit lang eh. Eps. Mga banat talaga ni B o.
Siya, siya. Ayan na. Unang banat na to. Tutuloy-tuloy na, kahit hindi man lumabas dito, basta. Nagsusulat si SH tuwing 10:00 ng gabi. Kahit isang talata, isang pangungusap, isang parirala (galalim, syet!), basta may lalabas sa bolpen ni SH.
Hoki? Huki.
Pinapasabi nga pala ng Superhero sa Superstar, salamat. :D

Subscribe to:
Posts (Atom)