June 15, 2009
2247 H
Ang Pasaway na Baseball Player
Inabot ako ng mga thirty minutes kung saang lenggwahe ko ito isusulat. Naisip ko kasi sobrang effort pag English, kaya barubalan nalang ng bonggang bongga. Effort pa mag-Ingles, hindi din bagay sa mood ko, kaya eto nalang. Barubalan to the maximum level.
Pero bago ako magsimula, gusto ko lang magreklamo dahil ang tabang ng Lucky Me Supreme La Paz Bachoy ko. Bakit ang daming nilagay na tubig ni Jane? Hindi ko ma-feel ang pagmamahal! Hindi ko ma-feel ang Bachoy!
Yun lang.
Tatlong taon na ko sa trabaho ko, pero hanggang ngayon, ni kalahati ng puso ko hindi ko pa maibigay sa trabaho ko. Malaki-laki din responsibilidad ko. Kung hindi ako kikilos, humigit kumulang sikwentang pamilyadong tao ang magugutom. Yan ang unang unang lesson na binigay sa akin ng mama ko. Na ang kompanya namin, hindi lang itinayo para sa amin. Para din yan sa mga taong umaasa sa trabahong binibigay namin sa kanila. Para din yan sa mga pamilya nila. O diba, san ka pa.
Naiintindihan ko naman yun eh. Ang hindi ko maintindihan yung gwakananginang ugali ko. Simula pagkabata ko, pinipili ko talaga yung mga bagay na gagalingan ko. Sa trabahong bahay palang eh. Alam mo yung ugali ng mga inutil na bata na pagnagwawalis, imbis na salukin yung dumi, itatago nalang sa ilalim ng carpet o kaya sa ilalim ng sofa? Ako yun. Tapos yung kwarto ko laging parang dinadaanan ng delubyo. Magulo, daig pa kwarto ng lalaki. Sa isang sulok nakatambak yung daan-daang libro. Tapos sa isang sulok yung mesa ko na hindi mo maintindihan kung work area ba ng inhinyero o ng writer o ng computer programmer o ng rakista. Tapos may gitara pa sa likod ng pinto na ilang taon nang hindi natotono't nagagalaw. May tv ako sa kwarto, pero pag pinahid mo kamay mo, itim agad daliri mo sa kapal ng alikabok. Kalat-kalat din yung mga CD ko tsaka DVD, tsaka yung mga gadgets na hindi mo alam kung para saan ba. Sinukuan nalang ako ng nanay ko eh.
(Ang tabang talaga ng sabaw, pocha.)
Sa school din. Tingnan nalang ang grades eh. Alam niyo bang pumasa lang ako sa Chemistry dahil 'mabait' daw ako? Ganito yun eh.
Karren (siryoso, repentant, mabait): Madam, gusto ko lang po malaman kung makakapasa ako sa Chem? Lagot po ako sa nanay ko pag bumagsak ako. Tapos kailangan ko din po pumasa kasi maga-apply po sana ako bilang officer.
Madam (sabay akbay): Ok lang yun, Karren. Mabait ka naman eh.
Karren (tameme, natanga ng ilang seconds): Ha? (Sabay bawi) Ay. Tenkyu po, Madam.
Nung college din. Mga gen subjects, binalasubas ko lang. Pero pag gusto ko, malamang kung may grade pang mas tataas sa uno, yun na grade ko.
Pagdating sa mga bagay na gusto ko, todo effort binibigay ko. Kung kaya ko lang ibigay ang buong puso't kaluluwa ko, ibibigay ko. Thesis, college, pagiging presidente ng Lit... lahat yan, pinagtuunan ko ng pansin. Pero pag ayaw ko, kahit magmakaawa ka sa akin, tingnan ko lang kung gawin ko ng matino yan.
Dumating sa punto na inisip ko, kung wala ang pagsusulat ko, wala na si Karren. Pagsusulat ko nalang yung nagdikta ng pagkatao ko. Pag inalis mo sa akin yun, malamang sa basurahan nalang ako dadamputin ng Pilipinas. Dumating sa punto na ito nalang yung pinanghahawakan ko, at ito nalang yung gusto kong gawin bawat sandali ng bawat araw. Pagsusulat at pagbabasa. Panitikan. Literature. Wala nang iba.
Tapos ito. Bigla akong itatapon ng tadhana sa kompanya ng nanay ko.
Parang ganito yan eh.
Para akong MVP volleyball player na biglang ninenok sa court ng mga aliens, tapos biglang dinispatcha sa baseball field. Binigyan ng baseball bat, tinapik sa likod, tapos iniwan nalang basta basta. Ibang mundo, ibang laro. Ibang rules, ibang mechanics. Parang... heller. Anong gagawin ko dito?
Ano nga ba ang gagawin? Magmaktol at hanapin ulet ang volleyball court, o alamin ang laro ng baseball para matuto kang makipagsabayan?
Sinubukan ko naman alamin yung baseball eh. Marunong na ko, kahit konti. Kala ko ok na yun. Hindi pala sapat yung alam mo yung rules. Kulang pala yun, kasi yung puso ko, gusto pa ring maglaro ng volleyball. Yun yung pakiramdam ko ngayon. Habang hawak-hawak ko yung baseball bat, habang tumatakbo ako sa field, nandun yung puso at isipan ko sa volleyball court.
Puro tuloy ako penalty dito. Puro time-out. Puro nalang kapalpakan. Lalo ko tuloy hinahanap yung sarili kong court, kung saan ako naghahari. Dun sana ako, kung saan yung bawat spike, bawat block, bawat serve, tumatatak sa utak at puso ng manonood. Dun ako kung saan lahat ng coach mahal ako. Dun ako kung saan kahit nagkamali ako, alam kong ayos lang kasi alam ko naman kung pano bumawi. Nami-miss ko na talaga yung volleyball court.
Kahit sabihin pa nating pinapayagan ako ng baseball coach kong magvolleyball paminsan-minsan, iba pa rin eh. Wala ako sa court. Naiintindihan niyo ba yun?
Ha? Hindi? Ah ok lang. Ako din hindi ko maintindihan eh. Lam niyo kung bakit? Kasi hindi ko din maintindihan kung bakit biglang umalat na yung sabaw nung Batchoy. Siguro kasi hindi ko hinalo kanina.
Nasan na ba ko?
Ah.
Dun.
Medyo masama araw ko kanina. Parang lahat yata ng kakulangan ko sa opisina hinahanting ako, kaya sunod-sunod ang sermon mula sa iba't ibang tao. Umiinit na din ulo ko kasi hindi pa umiinit pwet ko sa upuan ko, may tatawag na naman sa pangalan ko. Umiinit na nga ulo ko sa mga sermon, umiinit pa ulo ko sa sarili kong kapalpakan. Kung di lang dahil sa Vitamin B, malamang marami na kong pinatulan at sinungitan. Effective, pare. Hindi matuloy tuloy ang pageemote ko ng bonggang bongga.
Kanina, siguro pang forty-seven million times na kong nasermonan ng nanay ko. Bawat araw may sinasabi yan, bawat oras may hinahanap. Hindi ko din sya masisisi eh. Hindi naman tyrant ang nanay ko. Sa katunayan, wala na kong makitang mas mabait pang boss dyan. Marami akong naririnig na kwento. Iba ang nanay ko. Mas mabagsik pa ko dyan eh. Ang nanay ko, mahal ang trabaho niya, at mahal ang mga tao niya. Pag nakikita ko siyang subsob sa trabaho, nahihiya nalang ako kasi hindi ko masuklian yung dedication niya eh. Hindi lang kaming magkakapatid ang pinapakain niya. Hindi lang kami ang pamilyang binubuhay niya. Pero kaya niya. O san ka pa?
Bakit hindi ko siya masuklian, kahit konti?
Sabi niya kanina, bakit pag propesor ko ang humiling, kulang nalang lagyan ko ng ribbon yung folder ng papel para lang sumaya sila. Bakit pag siya humiling mga pitumpu't pitong mura muna ang aabutin bago ko magawa yung pinapagawa niya?
May mali talaga sa akin eh.
Yun yung susubukan kong ayusin ngayon. Unti-unti. Dalawampu't tatlong taon ng masamang paguugali, susubukan kong baguhin. Ang excellence daw, sabi ng nanay ko, walang pinipili. Naiintindihan ko yun. Susubukan kong gawin ng maayos hindi lang yung mga bagay na gusto kong gawin, kundi pati na din yung mga bagay na kailangan kong gawin. Mahirap yun, kasi habit ang titibagin eh. Parang complete 180 ang ikot ng mundo nyan. Syet, ibig sabihin din nun magiisip na ko. Ayoko pa man ding gumamit ng utak, kasi masakit sa ulo. Di bale na. May bukas pa.
Dito muna ko sa baseball field. Aayusin ko muna yung laro ko dito, bago ako bumalik sa volleyball court ko. At least, kahit umalis ako dito, alam kong kahit minsan eh nakapag-MVP din ako dito. Alam kong madami akong natulungan, at napabuti ko pa yung sarili ko. Self-improvement nalang eh.
Nandyan lang ang volleyball court. Malamang pagbalik ko iba na yung players, pero tingin ko, pag mahal mo yung ginagawa mo, kahit ilang taon kang hindi naglaro, babalik at babalik pa rin sa iyo yung pulso mo sa laro.
At titigil na din ako kasi malamig na yung sabaw ko.
Showing posts with label buhay. Show all posts

Monday, June 15, 2009
Thursday, July 3, 2008
Abo sa Ere, Alon sa Dagat, Inutil na Bituin
Continuation ng balahurang entry kay Tokne, sinimulan kaninang 2349 ng gabi...
May kwento dapat eh. Yung bang tipong 'nagsimula ang lahat noong...' chorva. Yung bang, may 'narrative' pa. May plot, may suspense, may dramatics, may kung anu-ano pang katarantaduhan na pwede kong isipin, para lang maging kwento yung gusto kong isulat. Kaya lang, naisip ko, pag inartehan ko na agad, malamang yan, malilimutan ko ang gusto kong sabihin. Kaya tingin ko, mabuti nang isulat ko muna lahat, bago ko lagyan ng palamuti. Tsaka na yun.
Sige. Ganito.
Tanungin mo ko kung ano ang pinaka-kinatatakutan kong bagay sa mundo.
Greatest fear, kung baga.
Yung tipong, bayaran ka man ng milyon-milyong dolyar, ay hindi mo pa rin to kayang sikmurain. Non-negotiable. No deal. Kahit magkano pa. Basta, hindi mo haharapin o tatanggapin ang 'fear' na ito. Tipong, kahit sumali ako sa 'Fear Factor', uuwi ako ng luhaan, duguan, at talunan, kasi hindi ko ito kayang harapin.
Ipis ba? Oo, takot ako sa ipis. Pag nakakita ako ng ipis, naninigas ang buong katawan ko, tapos hihinto ako sa kung saan man ako nandodoon. Titigil ko ang lahat ng aktibidades ko, at wala akong gagawin kundi titigan ang bawat galaw, bawat hakbang, at bawat paghinga ng nasasabing ipis. Kapag naramdaman ko na papalipad na ito, tsaka ako titili ng malakas na malakas na 'RUN FOR COVER!' sabay takbo para magtago.
Pero hindi ipis ang pinaka-kinatatakutan ko. Pwede ko pang harapin ang mga lintek na ipis na yan, basta may kapalit na malaking halaga.
Multo ba? Aswang? Maligno? Masasamang pangitain? Nakakatakot sila, pero hindi ako masyadong nagpapa-apekto sa mga yun. Takot ba ko matataas na lugar? Sa tubig? Sa bagyo? Sa ulan? Hinde.
Sa totoo lang, tingin ko wala akong masyadong kinatatakutan, eh (pwera nalang sa lumilipad na ipis). Tarantahin ako, pero hindi ako takutin. Minsan lang, habang patulog na ako, inisip ko talaga kung ano ba talaga yung bagay na kinatatakutan ko. Yung bagay na kailangan kong harapin ng buong tapang, yung bagay na dapat kong malampasan.
Bigla kong naisip yung mga pangarap ko na dahan-dahan kong pininta sa pisngi ng langit. Mga munting pangarap na isa-isa kong binulong sa palad, at initsa pataas para masalo ng mga tala. Inisip ko ang lahat ng gusto kong magawa, lahat ng gusto kong marating, at lahat ng gusto kong mangyari.
Ang pinaka-paborito kong pangarap ay yung makabahagi ako sa mga tao ng kahit konting kaligayahan, habang binabasa nila yung mga isusulat ko. Gusto kong makipag-usap sa mga tao gamit ang mga salitang ibubuhos ko sa papel. Gusto kong magtagpo ang puso ko, at ang puso ng mga mambababasa ko, kahit isang saglit lang. Gusto kong magtagpo ang palad ko, at ang palad ng mambabasa ko, kahit isang saglit lang. Gusto ko sanang tanggapin ng mga tao ang bawat salitang ibubuhos ng puso ko. Na sa bawat paglipat nila ng pahina ng libro ko, lalo silang napapamahal sa mga mundo, tao, at pangyayaring nilikha ko.
Hindi ba napakasarap isipin, na sa mga sandaling binabasa ng isang tao ang sinulat mo, ang puso mo at ang puso niya ay nagkakatagpo, nagkakaintindihan, at nagkakaunawaan? Para na rin akong nakipag-kwentuhan sa isang kaibigan, kahit hindi ko man siya nakikita.
Hindi man ako maging sikat na manunulat, nagkaroon naman ako ng mga bagong kaibigan. Makapag-pasaya lang ako ng ibang tao, masaya na ako. Ang pinakamagandang gantimpalang makakamit ko ay yung mga ngiti ng tao, at mga maiiikling salitang nagsasabing, 'Napasaya mo ako nung binasa ko yung ginawa mo. Hindi kita makakalimutan.'
Ang dami kong gustong gawin. Ang dami kong gustong puntahan. Naisip ko tuloy, kulang ang buhay ko para gawin ko lahat ng mga ito.
Habang nagmu-muni ako tungkol sa mga pangarap ko, bigla akong napaisip tungkol sa kamatayan. Lahat ng tao, parang mga utot lang eh. Ilalabas, tapos maghahasik ng lagim, tapos maya-maya, wala na. Nilamon na ulit ng hangin na minsa'y minarkahan niya ng kanyang pagka-tao. Este- pagka-utot.
Ipapanganak ka, mabubuhay ka, makikisalamuha ka sa ibang tao, gagawa ka ng ilan-ilang bagay na magpapaligaya'y magbibigay-pasakit sa ibang tao, tapos tatanda ka, tapos mamamatay ka. Tapos, makalipas ng ilang taon, makakalimutan ka na.
Alam mo kung bakit? Kasi, hindi tumitigil ang buhay, kahit para kanino pa man. Hindi titigil ang pag-ikot ng mundo ng dahil lang sa pagkamatay ng isang tao. Hindi titigil ang pagsikat ng araw tuwing umaga, hindi titigil ang pag-ikot ng tubig mula lupa hanggang langit, pabalik sa lupa, ng dahil lang sa isang taong namatay.
Hindi mo ba naiintindihan?
Isa ka lang sa bilyon-bilyong butil ng buhangin na inilagay ng Diyos sa dalampasigan. Isa ka lang sa bilyong tala na isinaboy ng Diyos sa kalawakan. Paano ka mapapansin, kung ang katabi mong buhangin e walang pinagkaiba sa iyo? Paano ka magniningning, kung ang katabi mong bituin, overchika sa pag-shine?
Magningning ka man, tiyak kong dadating ang panahon na hihina din ang kislap mo, at magiging isa ka nalang sa mga malalamig na tala na nakakalat sa langit.
Mabuhay ka man ngayon, bukas, malamang sa hindi, kakalimutan ka na. Kahit anak ng apo mo, hindi ka na matatandaan.
'Huh? Sinong Lola Karren? Mama ni Lola *insert name of future grand-child*? Hindi ko na po kilala yun. Matagal nang patay yun eh.'
My gosh.
Pwera na lang kung super sikat kang tao, na maraming ginawang kabulastugan o kabutihan na hindi malilimutan ng sangkatauhan.
Lit major ako. Graduate ng Cum Laude sa UST. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang lenggwahe ni Shakespeare. Pag binabasa ko ang mga libro niya, pakiramdam ko, ang bobo-bobo ko, kasi higit isang oras ko binasa ang Act 2 Scene 2 ng Romeo and Juliet bago ko ito naintindihan. Pero sikat pa rin siya, kahit inagnas na ang katawan niya sa ilalim ng lupa. Di ba?
Si Elvis Presley. Malay ko ba kung ano kinanta niya. Pero pati sa karindirya, makikita mong naka-paskil ang mukha niya. Malay ko ba kung anong kaugnayan ni Presley sa mainit at bagong lutong pork giniling with patatas ang carrots.
Sabi nila, patuloy ang buhay, kahit iwanan ka man ng taong mahal mo.
Pero ang hindi binabanggit ng mga tao, na sa bawat paglipas ng panahon na pinagpapatulay ang pagdaloy ng buhay, ay unti-unti na ring nababaon ang alaala mo sa limot. Oo, dadalhin ng mga taong naiwan mo ang alaala mo sa mga puso nila. Pero pano pag namatay na rin sila? Sino pa ang magdadala ng alaala mo? Sino ang magdadala ng mga alaala nila?
Paubos ng paubos ang mga taong magdadala ng alaala mo, dahil sila rin, may mga kanya-kanyang alaalang gusto nilang dalhin habang buhay pa sila.
Mawawalan ka ng puwang sa mundong iniwan mo.
Malaman, may bagong puwang ka sa kabilang buhay, pero ang mundo... iikot pa rin, kahit malimutan ka na.
Bigla akong nakaramdam ng matiding takot. Parang nanlamig yung buo kong katawan, tapos nag-palpitate yung puso ko. Para bang tumakbo ako ng singko sa treadmill ng wala man lang warm up. Dugundong yung pintig ng puso ko, tapos naramdaman kong nanlamig yung dugo ko sa buong katawan ko.
Paano na kung bukas mamatay na ko? Ni hindi man lang ako nakapagsulat, ni isang tula man lang. Wala pa akong natatapos; ni sinkong utot na talata, wala pa akong nabubuo. Paano na mangyayari yung 'pagtatagpo ng puso ko at puso ng mamababasa' chorva na pinapangarap ko? Parang sinilyaban yung pwet ko, tapos parang tinusok ng isang libong karayom yung puso ko. Tapos, yung kaisipan lang na, mamamatay ako ng walang maiiwan sa mundo, naging sapat para itulak ako papunta sa kompyuter ko para magsulat ng kahit na ano, as in NOW NA.
Pero siyempre, dahil magaling ako, wala akong naisulat na matino. Hehe.
Dun ko nalaman kung ano ang pinakamatinding takot ko.
Ayokong mamatay ng walang naiiwan na kahit na ano dito sa mundo. Ayokong dumating ang panahon, na ni pangalan ko ay hindi na matatandaan ng mga tao. Ayos lang sa akin na kalimutan ako. Naiintidihan kong mas maganda ang buhay na naghihintay para sa lahat ng tao pang yumao na sila. Pero ang gusto ko sana, bago mabaon sa limot ang alaala ko, ay makaiwan man lang ako ng kahit konting magagandang bagay sa mundo.
Tawa. Luha. Aral. Kaisipan. Ngiti. Simangot.
Gusto ko, bago ako tuluyang kalimutan ng mga tao, eh may kahit isang henerasyon ng mga tao na dadalhin sa kani-kanilang mga puso't buhay ang mga bagay na sinulat ko.
Masyadong kampanti ako sa buhay ko. Lagi kong sinasabi, 'may bukas pa, may bukas pa. Wag na muna kong magsulat ngayon, kasi may bukas pa.' Pero sa kaka-bukas ko, hindi ko napansin, na yung 'bukas', nagiging 'kahapon' din. At kapag iniisip ko kung anong ginawa ko 'kahapon', nalulungkot ako kasi inaksaya ko ang isang araw na dapat sana, may ginawa ako para sa katuparan ng mga pangarap ko.
Yung 'bukas' na sinasabi natin, yun yung 'ngayon'. At kung may gusto akong gawin, dapat simulan ko 'ngayon', para kung magtagpu-tagpo ang 'kahapon', 'ngayon', at 'bukas', ang mabubuong imahe ay hindi imahe ng pagsisisi at kabiguan, kundi ang imahe ng tagumpay at katuparan ng pangarap.
Kaya ito, pagkatapos ng ilang 'bukas na', sa wakas, umupo din ako sa tapat ng computer para isulat ito. HIndi man ito umabot sa palimbagan, at least, naisulat ko ito, at malamang, maipabasa din sa iba.

Friday, February 22, 2008
Anumalya sa Roxas Boulevard
Tuwing Martes ng gabi, pumupunta kami ng pamilya ko sa simbahan ng Baclaran. Doon kami nananalangin, nagpapasalamat, at nanghihingi ng saklolo sa Patron ng simabahan. Doon ako nananahimik, nakikipag-usap kay Lord, nakikipag-harutan sa hindi makitang anghel, at doon ko binubuo ang mga plano kong sakupin ang kalawakan.
Doon ako nagdadasal para sa mga pangarap ko, pangarap namin ng nanay ko, at pangarap ng lahat ng mga taong malapit sa buhay ko. Doon ako nagdadasal para sa mga taong nanghihingi ng panalangin. Doon ko pinapanalangin ang lahat ng taong nanghihingi ng tulong - mga taong hindi ko pa kayang tulungan sa ngayon.
Doon ko isinusumpang ang buhay ko ay naka-laan lang para gampanan ko ang tungkulin ko bilang anak ng Panginoon. Doon ko pinapangako ang sarili ko sa Kanya, at sa mismong krus na iyon ko pinapako ang lahat ng mga saloobin ko.
Nakakaburat namang isipin na kagagaling ko palang ng simbahan, ay may anumalya akong makikitang magpapakulo ng dugo ko.
Nang pauwi na kami, nakita ko sa kalsada ang isang palaboy-laboy na pulubi. Malnoris, marungis, at mukhang katotoma pa lang ng rugby. Parang nahagip siya ng malakas na ipuipo kasi sabog yung buhog niya't parang basahan nalang ang suot niya. Warak sa balikat, at may mahabang punit sa harap. Wala siyang tsinelas.
Nakaka-awa, diba?
Hinde.
Nakakapikon. Kasi may karga siyang sanggol na malamang ay wala pang dalawang buwang nabubuhay sa mundo. Sa itsura pa lang ng sanggol, mukhang hindi na tatagal pa ng dalawang buwan. Nakabalot lang sa manipis na kumot yung sanggol, at nakahalundusay ito sa balikat ng batang pulubi, habang kumakatok siya sa bawat bintana ng mga kotse.
Patawarin ako nawa, pero gusto kong sampalin ang bata, at nakawin ang kawawang sanggol. Nagalit ako sa bata, sa sindikatong may hawak sa kanila, sa pulis na pinapanood lng ang anumalyang nagaganap. Kawawa ang sanggol.
Sa loob-loob ko, 'Oh my pwet, what the f*ck. Shet na malagket. P*nyetang bata yan. Papatayin yata niya yung sanggol.
Parang armalite ang paglabas ng mga salitang inaapoy sa init. Parang gusto kong manakit ng tao, gusto kong iligtas ang naninigas na sanggol. Bukas-makalawa, patay na siya. Paano nila nasisikmura ang ganyang sitwasyon? Paano nila nakakayanang makita ang mga batang 'yon na palaboy-laboy sa kalsada, itataya ang buhay ng mas mahina sa kanila para lang sundutin ang mga puso ng mga taong 'may pera'.
Hindi ko alam kung kanino ako magagalit. Basta, galit ako. Galit ako sa bata. Galit ako sa mga pulis. Galit ako sa mga magulang ng mga bata. Galit ako sa pangyayari.
Pero sa huli, nauwi sa sarili ang galit dahil wala din akong nagawa.

Subscribe to:
Posts (Atom)